Napakaraming rebelasyon ang lumabas sa kauna-unahang pagkakataon na naging choices sa segment na "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga, sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon, Alan K, at Jimmy Santos.

Sa unang tanong pa lang na "Sinu-sino kina Tito, Vic, Joey, Alan at Jimmy" ang nagkaroon ng 75 na grade sa math," marami nang lumabas na kuwento tungkol sa lima tungkol sa naging buhay nila bilang mga estudyante.

Ang contestant na si Jherimy, itinuring na mapalad siya dahil nakita niya nang personal at nakasama pa sa segment ang mga batikang dabarkads.

Natawa ang mga host na sina Jose Manalo at Wally Bayola nang piliin ni Jherimy sina Vic at Jimmy ang nakakuha ng gradong 76 na ang pinagbasahan niya ay "hitsura."

Nang isa-isahin na ang lima kung sino ang nakakuha ng gradong 75 noong elementarya, doon na nagsimulang maglabas ang mga kuwento tungkol sa buhay-estudyante ng lima at nalaman din ang karanasan nila tungkol sa naging mga trabaho.

Tama kaya ang napili ni Jherimy? At ano kaya ang hindi malilimutang karanasan ni Vic noong elementary na tiyak na naranasan din ibang estudyante? Panoorin ang video ng "Eat Bulaga."

--FRJ, GMA News