Tungkol sa health ang pangakong gagawin ni Shaira Diaz, habang konektado naman sa career ang plano ni Michelle Dee ngayong 2022.

Sa programang "Mars Pa More," aminado si Shaira na minsan ay natutupad pero madalas na hindi ang kaniyang new year resolution.

Ang pangako niya sa sarili ngayong taon, kumain ng masustansiyang pagkain para maging healthy.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng aktres, mahilig kasi siya sa junk at fast food.

"Feeling ko this time 26 [years old] na 'ko kailangan maging healthy na 'ko," pahayag niya.

Ayon sa host na si Camille Prats, may mga nagsasabing kainin ang lahat ng gustong kainin habang bata pa, "pero in time [pagtanda] pagbabayaran mo 'yon."

Samantala, sinabi ni Michelle na gusto niyang maging most exciting year sa kaniya ang 2022 matapos na tila tumigil ang ikot ng mundo dahil sa pandemic.

Nang tanungin si Michelle kung saan at paano niya ito gagawin, nagbigay siya ng hint na tungkol ito sa career. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News