Pumanaw na ang Korean actress na si Kim Mi Soo nitong Miyerkules.

Ayon sa Soompi, sa isang pahayag ay kinumpirma ng Landscape Entertainment ang malungkot na balita.

ADVERTISEMENT

"We are relaying sorrowful and heartbreaking news. Kim Mi Soo suddenly passed away on January 5," nakasaad sa pahayag.

Hiniling ng pamilya ng aktres na tahimik at pribado nilang maipagluksa ang pagpanaw ni Kim Mi Soo.

Isinilang si Kim Mi Soo noong Marso 16, 1992, at napanood sa mga K-dramas tulad ng "Snowdrop." — FRJ, GMA News