Sa programang "Mars Pa More," natanong ang "Prima Donnas" stars na sina Althea Ablan at Vince Crisostomo, kung ano nga ang napapala ng mga kabataan sa pagti-Tiktok?

Ayon kay Althea, nag-e-enjoy siya sa pagti-Tiktok at nagiging paraan na rin niya para mag-workout.

"Parang workout ko na rin po siya, so parang exercise ko na siya. Yung pong pagti-Tiktok ko sobrang fun and nakaka-enjoy talaga siya," paliwanag ni Althea.

"And kapag nagle-learn ka ng dance ganyan, nang steps na ikaw lang mag-isa. And actually sa Tiktok po marami kang matutunan," patuloy niya.

Paliwanag naman ni Vince na magiging ka-love team si Elijah Alejo, magandang paraan ang Tiktok para maipahayag ang sarili.

"Its also a fun way to express yourself," anang binata. "Nakakatuwa kasi kahit family members nakikisama. Pati sila nakakapagsayaw na hindi naman usually nangyayari sa bahay."

Sinuportahan naman ito ng host na si Camille Prats na sinasabing for all ages ang pagti-Tiktok.

"Parang mayroon ka ngayong lisensiya to do whatever... to be kenkoy , to try different challenges...basta Tiktok. Try mong gawin nang hindi Tiktok 'di ba parang ang awkward," ayon kay Camille.

--FRJ, GMA News