Labis na ikinatuwa ni Alden Richards na nakapagtapos na ng kolehiyo ang dalawa sa kaniyang mga benepisaryo o iskolar sa kaniyang AR Foundation.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing ang pagtatapos ng dalawang iskolar ay itinuturing ni Alden na isang "legacy," hindi lang sa sarili kundi pati sa mga batang tinulungan niya sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT

Umaasa si Alden, na marami pang matutulungan ang kaniyang AR Foundation sa pamamagitan ng benefit concert niyang "Forward: Meet Richard Faulkerson, Jr," na mapapanood na sa darating na Enero 30, 2022.

 

 


--Jamil Santos/FRJ, GMA News