Bukod sa paggaling niya sa COVID-19, may isa pang ipinagpapasalamat ang international singer-actress na si Aicelle Santos.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aicelle ang magandang balita na “officially graduated" na siya "COVID isolation.” 

Nagpapasalamat si Aicelle na bukod sa "mild" lang ang kaniyang sintomas,  hindi niya rin nahawahan ang isang-taong-gulang na anak nila ni Mark Zambrano, na si Zandrine.

ADVERTISEMENT

Ito ay kahit pa nagbe-breast feed siya sa kaniyang anak.

"Now I see how important masks are in preventing the spread of the virus. So people, mask up! Ingat!” payo niya gamit pa ang mga hashtag na #PraiseGodforhealing #amazinggrace.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aicelle Santos ???????? (@aicellesantos)

 

Nitong lang nakaraang Disyembre ipinagdiwang ni Zandrine ang kaniyang unang kaarawan.

Bukod kay Aicelle, ang ilan pa sa mga Pinoy celeb na tinamaan ng COVID-19 kamakailan ay sina Arnold Clavio, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Globe 2021 Maureen Montagne, Candy Pangilinan, Tuesday Vargas at iba . — FRJ, GMA News