Inilahad ni Max Collins na nakararamdam siya ng insecurities mula nang maging isang ina.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ito ang pinagdadaanan ni Max, sa likod ng maraming netizens na napapa-"sana all" sa kaniyang "hot mom" na social media posts.

ADVERTISEMENT

Pero hindi nagpatalo si Max sa kaniyang insecurities kaya nilaanan niya ng oras ang pag-workout para mapalakas ang katawan para sa mga pisikal na hamon ng pagiging mommy.

Ito rin ang kaniyang paraan para mapanatili ang kaniyang pagiging happy.

Naniniwala si Max na "a happy mommy makes a happy baby."

"It's so hard, it's really difficult. So iba 'yung respeto ko sa mga nanay kasi you don't know paano ija-juggle mo lahat. If you find some joy in looking good, feeling good and being sexy, then at least you have something to be happy about also," anang Kapuso actress.

Isinilang ni Max ang anak nila ni Pancho Magno na si Baby Skye noong Hulyo 6, 2020. – Jamil Santos/RC, GMA News