Inihayag ni Rita Daniela ang aktor na crush niya at madalas pa rin daw siyang natatameme kapag nakikita niya ito.

"Dennis [Trillo] pa rin talaga," sabi ni Rita sa programang "Mars Pa More."

ADVERTISEMENT

"Kapag nakikita ko pa rin siya, napapa-ganu'n (starstruck) pa rin ako," ayon kay Rita.

Inilahad din ni Rita ang pipiliin niyang "Prince Charming" na magbibigay sa kaniya ng true love kiss kung siya si "Sleeping Beauty."

"Siyempre doon tayo sa may love, 'yung Ken Chan. Puwede pakisabi sa kaniya?" sabi ni Rita.

Huling napanood ang tambalang "RitKen" sa Kapuso series na "Ang Dalawang Ikaw."

--FRJ, GMA News