Sa isang segment ng "Mars Pa More," binigyan ng sitwasyon ang mga guest na kinabibilangan ni Andrea Torres kung gaganti ba sila kung may bagay na para sa kanila ang inagaw ng iba.

Bukod kay Andrea, guest din sa naturang episode sina Migs Villasis at Kimson Tan.

Ayon kay Andrea, hindi siya maghihiganti.

"Hindi ako maghihiganti. Hindi talaga ako naniniwala sa ganun," anang aktres. "Kasi mayroon ka pang dadalhin na bigat sa sarili mo. Makokonsensiya ka pa," patuloy niya.

Para kay Andrea, mabuting hayaan na lang ang lahat dahil naniniwala siya sa kasabihan na kung "para sa'yo, mapupunta rin naman sa'yo. Magkakaroon ng way para babalik sa'yo."

Sumang-ayon naman ang host ng programa na si Mars Iya Villania kay Andrea, at sinabing magmumukhang mas talo ang isang tao kapag naghiganti pa.

Samantala, natanong din ang mga guest na kung maiipit sila sa zombie apocalypse gaya sa series na "All Of Us Are Dead," at nakagat ng zombie ang kanilang best friend, kakayanin ba nilang isakripisyo siya?

Alamin kung sino ang sumagot na palalabasin na lang niya ang kaibigan para may makasamang mga zombie at mayroon pa rin itong makasama kahit zombie na. Panoorin ang video ng "Mars Pa More."

--FRJ, GMA News