Inihayag ni Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na handa na sila kung sakaling pumasok na sila sa isang relasyon.

"Feeling ko kapag nahanap mo 'yung special someone mo, alam mo na 'yun, sure na sure ka na," sagot ni Mavy nang tanungin kung handa na siyang magka-girlfriend sa programang "Mars Pa More."

"Na you have to know that person, you go through all the ups and downs in life with that person, then you really feel na it's time," dagdag pa Mavy.

Mensahe ni Mavy sa kaniyang inang si Carmina Villaroel na may agam-agam na makipagrelasyon siya, "You gotta let me spread my wings also."

Ayon kay Mavy, may parte na "in denial" pa rin si Carmina kapag napag-usapan nila ang tungkol sa pagpasok sa isang relasyon.

Sa vlog ni Carmina, sinabi rin ng kaniyang mister na si Zoren Legaspi na hindi pa niya gustong makipagrelasyon ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy.

Samantala, kahit na walang binabanggit na pangalan ang "Mars Pa More" hosts na sina Camille Prats, Iya Villania at Kuya Kim Atienza sa kanilang tanong, naging bukambibig naman ni Mavy si Kyline.

ADVERTISEMENT

"My mom kasi worked with Kyline na in a show, and also my dad. So in that sense in those years siguro nakita nila 'yung pinagdaanan din ni Kyline, most especially since we started off really as close friends, so alam nila 'yung mga kwento, alam nila we're good friends so they really know the story of Kyline," anang binata.

"Nakikita nila 'yung changes niya and of course my changes as well," dagdag pa ni Mavy.

Sinabi ng binata na nagbago ang outlook niya sa buhay nang maging close sila ni Kyline.

Hindi naman naiwasan ng hosts ng programa na biruin si Kyline.

"Pero mars, ang sarap din panuorin 'yung reaksyon ni Kyline," sabi ni Iya.

"'Yung thought bubble niya, 'Ah o, ako 'yan, 'yung sinasabi niya (Mavy) lahat,'" biro ni Camille kay Kyline matapos magsalita si Mavy.

"Mars doon mo mava-validate 'yung mga sinasabi ni Mavy sa reactions ni Kyline," pagsegundo ni Iya.

Dahil dito, natanong ni Kuya Kim si Kyline, "Ikaw ba ready ka na?"

"I'm done na with the process of healing. So yes, I guess I am," nakangiting sagot ni Kyline.

Muling hiningian ng Mars Pa More hosts ng reaksyon si Mavy tungkol dito.

"Things took a slight turn but, until now, until this very day I will never stop being proud of you because you did it. And you're still going further," anang binata.

Bago nito, nauna na ring sinabi nina Mavy at Kyline na ang kanilang relasyon ay "special" at "their own."

Nagpasalamat din si Kyline sa pagiging pasensiyoso sa kaniya ni Mavy. --FRJ, GMA News