Rumampa at nagtanghal ang Kapuso actress na si Pokwang sa Dubai Expo 2022, suot ang "pasabog  outfit' na likha ni Jan Garcia.

Dumating si Pokwang sa venue na suot ang maximalist, floor-length purple coat na tila nakabalot sa aktres.

Nang alisin niya ang  purple coat, lumantad naman ang short golden number na may large, imposing shoulders, at may gorgeous folds sa kaniyang baywang.

Sinamahan pa niya ito ng black fishnet stockings at thigh-high boots.

ADVERTISEMENT

 

 

Bukod sa pagpapasaya sa mga manonood sa kaniyang kuwelang mga hirit, kinanta rin ni Pokwang ang "Bad Romance" ni Lady Gaga.

Sa kaniyang post sa Instagram na makikita ang kaniyang mga larawan sa ginanap na Dubai Expo 2022.

Inihayag ni Pokwang ang pasasalamat na muling makapagtanghal sa Dubai makaraan ang halos dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

“Maraming, maraming salamat po mga kababayan sa Dubai!! Isang karangalan at kaligayahan na makita kayong muli at ang inyong mga tawa at ngiti,” saad niya sa caption.

"After two years sa pandemic na ito, isang karangalan na makapag-perform muli sa inyong harapan. Hanggang sa muli. God bless you all," patuloy niya.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Pokwang si Jan na gumawa ng kaniyang "pasabog outfit" at si Roviel Castor sa kaniyang hair and makeup.

Ang naturang Dubai Expo ay unang itinakda noong 2020 pero hindi natuloy dahil sa pandemic.— FRJ, GMA News