Nang masawi dahil sa pambobomba ng puwersa ng Russia ang Ukrainian actor na si Pasha Lee, tumutulong umano ang biktima na ilikas ang mga bata. Ang kaniyang bulletproof vest, hinubad niya at inilagay sa batang kasama niya.

Ayon sa pinuno ng Centre for Civil Liberties sa Ukraine na si Oleksandra Matviichuk, nakita ang katawan ni Lee makalipas ang limang araw nang masawi ang aktor sa pambobomba ng Russia sa bayan ng Irpin.

"We found the body of our Pasha Lee," ani Matviichuk, isang human rights lawyer, sa kaniyang tweet.

"He helped the children get out of the house during the evacuation of people from Irpen," patuloy niya.

"The evacuation that Russians disrupted by shelling civilians. Pasha took off his bulletproof vest and put it on the child he was carrying," dagdag pa ni Matviichuk.

 

 

Unang iniulat ng BBC, na sumapi sa territorial defense force ang 33-anyos na aktor sa unang araw pa lang ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine,

Naging bahagi umano ng ilang pelikula si Lee, at ginamit ang kaniyang boses sa Ukrainian versions of The Lion King at The Hobbit.—FRJ, GMA News