May bagong kaaabangang sorpresa ang ARMY dahil magkakaroon ng collaboration ang global sensation na BTS at ang American rapper na si Snoop Dogg.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ito ang inanunsyo ni Snoop Dogg sa isang interview.

ADVERTISEMENT

"It’s official like a referee with a whistle," pagkumpirma naman ni Snoop Dogg sa The A.V. Club.

Bago nito, Enero nang makatanggap si Snoop Dogg ng request mula sa BTS para sa collaboration, ngunit sinabi niyang pag-iisipan niya kung mapaglalaanan niya ito ng oras.

"I make good music. They make good music. And we end up doing this. This is what it’s always about, bringing our worlds together," sabi ni Snoop Dog.

Bago nito, nakipag-collaborate na rin si Snoop Dogg sa Girls Generation at 2NE1.

Tinampok naman si Snoop Dogg sa "Hangover" ni Psy noong 2014. —Jamil Santos/VBL, GMA News