Hindi pinalampas ng Kapuso actress na si Liezel Lopez ang pagkakataon na makita ang kagandahan ng tinaguriang City of Love.

Namasyal si Liezel sa Paris na suot ang sexy at furry blush suit.

Sa Instagram, ibinahagi ni Liezel ang ilang larawan sa kaniyang naturang biyahe.

ADVERTISEMENT

Kabilang dito ang larawan na background niya ang pamosong Eiffel Tower.

"Another dream come true," saad ni Liezel sa caption ng kaniyang post.

Umani ng mga papuri ang naturang post ni Liezel mula sa kaniyang mga followers, pati na sa mga kapuwa celebrity na sina Angela Alarcon, Lovely Abella, Arny Ross, Pauline Mendoza, at iba pa.

Mapapanood si Liezel bilang si Zandra sa inaabangang “Voltes V: Legacy” sa GMA.

 

 

—FRJ, GMA News.