Ipinakilala ni Alice Dixson sa Instagram ang "panganay" niyang anak na si Sassa.

Nag-post si Alice ng kanilang family beach trip sa Mother's day kasama ang dalawa niyang anak.

“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; [first] with Sassa, our panganay,” saad ni Alice sa caption. “[Nang] dumating, nabuo ang munting pamilya.”

ADVERTISEMENT

“Hindi ko siya na-introduce formally when she was a teen kasi napaka-protective ng father niya pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa—the world is now her oyster,” patuloy ng aktres na napapanood sa Kapuso series na "First Lady."

 

Inihayag din ni Alice kung gaano siya ka-proud kay Sassa.

“I’m so very proud (of) the woman you are and becoming—beautiful inside and out,” ani Alice.

Bago tuluyang matapos ang caption, binati rin ng aktres ng Happy Mother's day maging ang mga stepmom na gaya niya.

"Happy Mother’s Day to me and all the mom matrastas [sic] like me… thank you for your greetings," sabi ng aktres.

Nitong nakaraang Mayo nang ipakilala ni Alice sa Instagram ang kaniyang bunso na si Aura.– FRJ, GMA News