May mga bagong resbak sa katatawanan ang longest-running gag show sa bansa na "Bubble Gang!"

Simula sa Mayo 27, napapanood na rin bilang ka-Bubble sina Tuesday Vargas, Kim De Leon, at Dasuri Choi.

Ayon kay Tuesday, magbabahagi siya ng kaniyang all-important training sa panulat, habang magdadagdag ng Korean flavor si Dasuri.

ADVERTISEMENT

Sabi naman ni Kim sa "Unang Hirit," "Kung ano ang ibato, I will do it."

Para kay Paolo Constis, malaking bagay ang pagkakaroon ng bagong barkada sa "Bubble Gang" tulad ni Tuesday.

"Magaling siya sa comedy, sa pagsusulat. At ang bilis niya mag-jive [with the group]," anang aktor.

"Kim is eager to learn, pati si Darusi," patuloy niya.

Kahit subok na ang "formula" ng "Bubble Gang," sinabi ng ring leader na si Michael V. na, "kailangan mag-adapt sa kung ano ang uso ngayon. Hindi lang tayo dapat 'tv show.' We have to be a multi-media show para hindi stuck sa four corners ng TV."  — FRJ, GMA News