NEW MEXICO—Isa pang Pilipino-American ang nagwagi sa USA beauty pageant bilang Miss New Mexico 2022. Noong June 25 nagwagi rin ang isang Fil-Am na si Averie Daniela Bishop bilang Miss Texas 2022.

Kinoronahan si Suzanne Perez, 25-anyos, na ang pamilya ay mula sa Bislig, Surigao Del Sur.

Si Suzanne ang kauna-unahang Filipino-American na kinoronahan bilang Miss New Mexico, USA.

ADVERTISEMENT

Dating ng sumsali sa mga beauty pageant si Suzanne kung saan hinawakan niya rin ang koronang Miss World Philippines USA.

 

Facebook photo

Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Communication Science and Disorder sa Eastern New Mexico University, siya ay kasalukuyang kumukuha ng Master’s Degree in Speech-Language Pathologist.

Kabilang din siya sa lalaban sa Miss USA bilang pambato ng New Mexico kung saan makakasama at makakalaban din niya ang kapwa niya Fil-Am na si Averie Daniela Bishop na nanalong Miss Texas.

Idadaos ang Miss USA sa December 2022 kung saan maglalaban-laban ang 50 beauty contestants mula sa 50 states ng America. —LBG, GMA News