Kahit hiwalay na, nananatiling maayos ang relasyon nina Pokwang at ex-husband niyang si Lee O’Brian. Katunayan, nagbahagi ang aktres ng ilang larawan na kasama ng kaniyang mga anak si Lee at pamilya nito sa Amerika.

Sa Instagram ni Pokwang, makikita ang kaniyang mga anak na sina Mae Subong at Malia O’Brian na nasa US, kabilang na ang pagsakay ni Malia sa carousel habang inaalalayan ni Lee.

 

 

“Finally after two years [it's] nana, [grandpa] and [Tita Mimi] time,” caption ni Pokwang.

Nasa Amerika rin si Pokwang para sa kaniyang BFF Concert Tour kasama si K Brosas.

Inanunsyo ni Pokwang nitong nakaraang Hulyo na hiwalay na sila ni Lee.

Sinabi ng aktres na noong pang nakaraang taon sila naghiwalay ni Lee pero maayos ang kanilang pag-uusap at nananatili silang magkaibigan. --Jamil Santos/FRJ, GMA News