Muling pinakilig nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang netizens sa kanilang latest photos habang sinusulit ang pagkakataon na magkasama sila.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Ruru na lead star sa Kapuso action series na "Lolong," ang ilang wacky shots nila ni Bianca.

"You're my best friend for the rest of my life [heart emoji]," caption ng aktor.

 

ADVERTISEMENT

 

Dahil kilala bilang isang ARMY o fan ng BTS, napansin ng ilang netizens na hinango ni Ruru ang kaniyang caption sa kantang "For Youth" ng BTS.

Mas lalo pang kinilig ang netizens nang magkomento si Bianca sa naturang post.

"And you are mine [heart emoji0 @rurumadrid8," saad ng aktres.

Bagama't hindi pa opisyal na inihahayag ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon, nagiging bukas na si Ruru na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Bianca.

"If it's not you, it's not anyone," sabi ni Bianca sa isang post tungkol kay Ruru.--Jamil Santos/FRJ, GMA News