Sa pagdiriwang ng ika-43 anibersaryo ng Eat Bulaga nitong Sabado, muling napanood ang isa sa mga "original Dabarkads" na si Coney Reyes.

Sinalubong si Coney nina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon live sa stage.

“Welcome home, original Dabarkads since 1982, Coney Reyes!” saad ni Tito.

Hindi pa man nakakapagsalita, hindi na napigilan ni Coney na maging emosyonal sa mainit at masigabong palakpakan ng audience.

ADVERTISEMENT

“It’s so good to be here, back home on Eat Bulaga. Happy 43th anniversary sa lahat sa inyo,” anang beteranang aktres.

“Some of the fun years I had in show business was here with the Eat Bulaga family, especially with Tito, Vic, and Joey. Marami akong natutunan sa kanila,” dagdag pa ni Coney.

 

Inihayag din ni Coney ang kaniyang pasasalamat kina Vic at Pauleen Luna sa pagsuporta nito sa kaniyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Gusto kong pasalamatan si Vic at si Pauleen dahil sa sobrang suporta nila sa anak ko, sa anak namin ni Vic, kay Vico,” dagdag pa niya.

“Excited ka ba, darling?” tanong naman ni Joey kay Coney.

“Excited ako makasama sa paghahatid natin ng isang libo’t isang tuwa sa ating mga manonood noon pa, noong araw pa,” sagot naman ni Coney.

“Kumpleto na ang Dabarkads, pwede nang mag-celebrate. Happy birthday, Eat Bulaga!” mensahe ni Vic. —LBG, GMA News