Ni-remake nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isang iconic scene mula sa isang pelikula noong 1955, bilang kanilang paandar sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala.

Sa "State of the Nation" nitong Lunes, mapapanood ang isang clip mula sa Limitless Productions kung saan ni-remake nina Barbie at Jak ang isang eksena nina Grace Kelly at Cary Grant sa pelikulang "To Catch a Thief."

ADVERTISEMENT

Dumating naman sa gala sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, o mas kilala bilang GabLil, sakay ng isang vintage top down.

Dumalo rin ang Kapuso royalty na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pati na rin ang international style icon na si Heart Evangelista.

Reunited din sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa gala, habang muli ring nakita ni Alden Richards nang personal ang kaniyang idolo na si JLC. —Jamil Santos/VBL, GMA News