Kilala sa kaniyang linyang “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat," tunay na isa sa mga pinakamagagaling na primera kontrabida ng showbiz industry si Cherie Gil. Balikan ang mga artista at TV personalities na pinangarap siyang maka-eksena at nasabuyan niya ng tubig.

Sa Unang Hirit nitong Martes, mapapanood ang isang clip sa Instagram ni Cherie nang i-recreate nila ni Bea Alonzo ang sikat na eksena sa 1985 na pelikula na "Bituing Walang Ningning."

Noon namang 2018, gumanap si Cherie bilang ang kontrabidang si Helena Montenegro sa primetime series na "Onanay" noong 2018, kung saan sinabuyan niya si Mikee Quintos.

ADVERTISEMENT

Sumabak din si Cherie sa comedy nang makaeksena niya si Antonietta, na ginagampanan ni Betong Sumaya, sa "Bubble Gang."

Nakaeksena rin ng GMA News anchor na si Atom Araullo si Cherie, at nabuhusan ng aktres ng tubig.

Binigyan din ni Cherie ng acting tips si "Igan" Arnold Clavio sa "Tonight With Arnold Clavio," at sinabuyan ng tubig.

Pero hindi tubig kundi kape ang ibinuhos ni Cherie kay Betong.

Pumanaw si Cherie noong Biyernes sa edad 59. —Jamil Santos/VBL, GMA News