Engaged na si Nathalie Hart sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Sa Instagram ni Nathalie, makikita ang isang romantic setup na may red roses at mga kandila kung saan nag-propose sa kaniya si Brad Robert.

"SECOND CHAPTER: I said yes #engaged" caption ng StarStruck Season 5 alumna.

 

"Felt like a princess for a day ???? ????" caption naman ni Nathalie sa isa pang IG post.

 

Si Nathalie ang huling print cover girl ng FHM noong 2018—LBG, GMA News