Naaliw ang netizens sa bunsong anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto dahil sa suot niyang Lapulapu costume para sa Linggo ng Wika.

Sa kanilang social media accounts, nag-post ng mga larawan at video ni Sixto ang Kapuso Primetime King and Queen.

"Ako si Yapu-Yapu,” saad sa caption ng post batay sa pagkakasabi ni Sixto sa pangalan ng bayani.

ADVERTISEMENT

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel, sinabi ni Marian na talagang sineseryoso niya ang school requirments ng mga anak.

"Gusto kong maging aligagang nanay. Ini-enjoy ko yung hinahatid ko yung mga anak ko sa school. Kasi si Sixto rin nagpe-face to face [class] na rin siya," ayon sa aktres.

"Ako nanggigising, ako nagpapaligo, nagpi-prepare ng baon, naghahatid sa school. And then kung si Dong wala siyang work kaming dalawa ang naghahatid sa school," dagdag ni Marian.

Masaya rin si Marian na nag-e-enjoy ang mga anak niya na pumasok sa school, at ikinukuwento ng mga bata ang nangyari sa eskwelahan.

At ngayon na break sila sa taping ng kanilang sitcom na "Jose and Marias Bonggang Villa, mas may time daw si Marian na gampanan ang kaniyang mommy duties. — FRJ, GMA News