Magsasama-sama muli ang mga miyembro ng The Eraserheads para sa kanilang "Huling El Bimbo" concert sa darating na Disyembre.

Nitong Lunes, ibinahagi nina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro sa Instagram ang larawan ng kaniyang concert poster.
Nakasaad sa poster ang kanilang larawan at titulong "Huling El Bimbo," na may mga numerong 12/22/22.

"Tickets on sale soon," saad sa post na hindi pa binanggit kung magkano.

 

 

Batay sa nakasaad sa poster, ang reunion concert ay gagawin sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Sa IG ni Buddy, sinabi niya na, "see you!"

"Huling El Bimbo Concert. 12.22.2022. eraserheads2022.ph," dagdag niya na may hashtags #HulingElBimboConcert #Eraserheads2022.

Nitong nakaraang Sabado, nagpahiwatig ang apat na miyembro ng Eraserheads sa mga post nila sa social media tungkol sa posibleng pagtatanghal nilang muli. — FRJ, GMA News