Inamin ni Carla Abellana na bagama't nagmu-move on na, may mga pagkakataong bigla na lamang siyang umiiyak matapos ang hiwalayan nila ng dating asawa na si Tom Rodriguez.

"Of course, all the time 'yan, all the time," sabi ni Carla sa podcast na Updated With Nelson Canlas.

"Napaka-natural lang, kasi parte ‘yun ng pain, parte ‘yun ng pag-heal. Ang tao naman, -- kasi ang dami kong nababasang books -- ang tao naman kapag nag-heal hindi ibig sabihin na okay na siya or nag-stay na siya doon o never na siyang iiyak ulit," pagpapatuloy ni Carla.

Ayon kay Carla, ang hiwalayan sa partner o asawa ay hindi isang simpleng nanakawan lang ng gamit na madaling tanggapin at mag-move on.

ADVERTISEMENT

"It's a serious personal change in your life, talagang very painful. Part of healing is from time to time you still cry, you still breakdown. Nati-trigger ka pa rin kapag nanonood ka ng movie or may narinig kang music."

Paglilinaw din ni Carla na hindi ibig sabihin na hindi umiiyak ang isang tao ay hindi na siya nasasaktan. Gayunman, ang pag-iyak ay normal lamang para sa isang nakararamdam ng sakit.

"Ang katawan ng tao natural lang naman na kapag nalungkot e iiyak ‘di ba. And kapag ganu'n you will just let it out, hindi mo pwedeng i-stop sarili mo or i-judge sarili mo or pigilan ‘yung iyak mo from falling, your tears."

"Hindi mo pwedeng ganu'n e, hindi pwedeng diktahan. Napakaimportante na i-acknowledge mo ‘yung emotions mo at any particular moment and i-acknowledge mo ’yun, kung ano ‘yung nararamdaman mo i-acknowledge mo 'yun. So kailangan mong i-recognize ‘yun, kasi in a way that's respecting yourself and body mo, your heart," dagdag niya.

Sa ngayon, hirap pa si Carla na direktang sagutin kung mahal pa ba niya si Tom.

"Gusto kong sabihin na yes, meron. Pero ayoko naman ding sabihin, 'Ay hindi, wala.' Kumbaga, hindi siya 'yung 'Ay wala na akong love for him.' Or hindi naman din... Honestly, hindi ko masasagot na yes or no. Like I said 'yung love naman, hindi siya nagdi-disappear or hindi mo nababawasan nang kusa na ganoon kabilis," anang aktres.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 2021. Pero naging usapan ang kanilang breakup noong Enero noong i-unfollow ni Tom si Carla sa Instagram.

"I was in a relationship with him for over seven years, seven and a half years... Obviously, ‘yung love na ‘yun  hindi naman din naman mawawala ‘yun overnight or in a week or in a month," sabi ni Carla, na hindi pa raw kayang sagutin si Tom kung sakaling tatawag ito sa telepono para kausapin siya. —LBG, GMA Integrated News