Tinutukan ng netizens at viewers ang paghaharap nina Padre Damaso at ang inaabangang karakter na si Elias sa "Maria Clara at Ibarra" nitong Lunes.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Martes, sinabing opisyal nang lumabas ang karakter ni Elias na ginagampanan ni Rocco Nacino.

Sa naturang episode, nakatikim si Padre Damaso [karakter ni Tirso Cruz III] nang paghihiganti ni Elias dahil sa pagmamalupit ng pari sa mga taga-San Diego.

Pinusuan ng netizens ang galing nina Rocco at Tirso sa kanilang pagganap sa kani-kanilang karakter na trending online. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News