Pumanaw na ang veteran actress na si Flora Gasser.

Sa Facebook post nitong Linggo, sinabi ni Valerie Ocampo, apo ng aktres, “Our Lola, Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry.”

ADVERTISEMENT

“Thank you for your condolences.”

Sinabi ni Ocampo na nakaburol ang kaniyang lola hanggang ngayon sa St. Peter’s Chapel sa Commonwealth, Q.C.

Taong 2014, nang itampok sa programang "Wagas" ang love story nina Flora at mister niyang si Harry Gasser, isang veteran broadcaster.

Nagsimula noong 70s ang acting carreer ni Flora. Kabilang sa mga naging proyekto niya ang “Batang Z,” “Joey Boy Munti: 15 Anyos ka sa Muntinglupa,” at “Kumander Bawang.”— FRJ, GMA Integrated News