Nagningning ang kagandahan ng panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes sa pagdiriwang niya ng kaniyang ikapitong kaarawan.

Sa Instagram ni Dingdong, na makikita rin sa Unang Balita nitong Huwebes, ipinasilip niya ang isinagawa nilang party para kay Zia.

Priceless naman ang reaksyon ng bata, na blooming habang suot ang kaniyang floral dress.

 

May post din si Marian ng drop-dead gorgeous look ni Zia.

 

"Happy birthday Ate Z! Love you soooooooo much…" caption ni Marian.

"Always grateful," short but sweet message rin ni Dingdong sa anak. —LBG, GMA Integrated News