Bumiyahe pa-Las Vegas sina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan para sa kanilang renewal of vows upang patatagin pa ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa Instagram, nag-post si AiAi ng larawan nila ni Gerald habang patungo sa Las Vegas para sa naturang seremonya.

“To Las Vegas for our renewal of vows and para sa happy [birthday] ng aking asawa. I will always love you, my husband,” sweet na mensahe ng aktres sa kaniyang mister.

 

 

Ilang buwan na ring nasa Amerika ang pamilya ni AiAi. Nitong nakaraang Agosto, sinabi ni AiAi na mayroon na siyang trabaho sa San Francisco, California.

Limang taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina AiAi at Gerald na ikinasal noong December 2017.

Sa kabila ng mga puna dahil sa malaking agwat ng kanilang edad, nananatiling matatag ang magsasama ng mag-asawa.—FRJ, GMA Integrated News