May simpleng paliwanag si Maxene Magalona kung bakit pa rin siya nagpo-post ng kaniyang wedding photos kahit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng kaniyang dating asawa.

Naging palaisipan at ipinagtaka ng ilang followers ni Maxene sa Instragram kung bakit patuloy na ibinahagi ng aktres ang mga larawan niya noong ikinasal siya.

Pero ang simpleng paliwanag ni Maxene sa kaniyang ginagawa, sayang ang mga larawan.

ADVERTISEMENT

“To those who find it weird that I still post my wedding photos even though my marriage did not work out, 1. This is one of the ways I honor my pain. 2. Ang ganda ko sa photos, sayang naman. Lol,” anang aktres.

Umani naman ng suporta mula sa kaniyang mga followers ang kaniyang paliwanag. May mga nagmungkahi pa na gumawa siya ng podcast.

Sa naturang post din, sinabi ni Maxene na ang talagang nakatulong sa kaniya na maghilom ay ang kaniyang “closer and deeper relationship with God.”

 

 

Taong 2018 nang ikasal si Maxene kay Rob Mananquil. Pero nitong nakaraang Oktubre, inihayag ng aktres ang kanilang paghihiwalay.

Nitong nakaraang buwan, ipinagdiwang ni Maxene ang kaniyang ika-36 kaarawan sa Boracay. --FRJ, GMA Integrated News