Sa pagtatapos ng 2022, balikan ang mga nakatutuwang sagot ng mga naging kalahok sa "Family Feud Philippines" hosted by Dingdong Dantes.
Kinaaliwan nang husto mga netizen at naging meme ang sagot sa tanong na "anong body part ang nagsisimula sa letter T?" At natatandaan niyo pa ba kung sinong aktor ang sumagot ng Monday sa tanong na "anong month ang may letter A?"
At bakit nga ba P20 ang sagot ng isang aktres sa tanong na kung magkano ang ibibigay niya sa inaanak? Si Mavy Legaspi, bakit nga ba "hotdog" ang sagot sa tanong na, "Kapag nagbibiruan, anong kalokohang ang isinasagot ng friend mo kapag tinanong mo siya ng 1+1?"
Panoorin ang nakaaliw na funniest answers compilation sa video. --FRJ, GMA Integrated News
