Dahil sa hiling ng mga tao at para malaman kung talagang matalas sa hulaan sina Jose Manalo at Wally Bayola, muling isinalang sa Pinoy Henyo ng "Eat Bulaga" nitong Lunes ang dalawa. Alamin ang uri ng hayop na madali nilang nahulaan.

Sa nakaraang episode ng Eat Bulaga noong Pasko, sinabi Jose at Wally ang naging kampeon at sumalang sa jackpot round ng Pinoy Henyo matapos nilang masagot sa loob lang ng 22 segundo ang salitang pinahulaan.

WATCH: Jose Manalo at Wally Bayola, ipinakita ang talas sa Pinoy Henyo!

Kaya naman sa New Year episode ng longest noontime show sa bansa, sinabi nina Vic Sotto at Tito Sotto, isinalang muli ang dalawa para alamin kung tunay ang husay at pagiging champion nina Jose at Wally sa Pinoy Henyo, na diretso na agad sa jackpot round.

Tatlong salita ang kailangan nilang hulaan pero ang isa rito na hayop, madaling nakuha ni Jose dahil sa tanong kung kumakanta ba ito at nakikita niya. Panoorin ang nakatutuwang video.--FRJ, GMA Integrated News