Muling magtatambal sina Gabby Concepcion at Carla Abellana matapos ang anim na taon para sa bagong Kapuso series na "Stolen Life," at makakasama rin nila si Beauty Gonzalez.

"Very excited and privileged to be working again with kuya Gabby," sabi ni Carla sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Huwebes.

"Nagulat ako na kami ulit ni Carla. I'm really happy because nag-enjoy kami sa 'Because of You,'" sabi ni Gabby sa huling serye na kanilang pinagsamahan.

ADVERTISEMENT

"I'm so grateful 'cause I got to work with these two big stars of GMA. Finally it's happening," sabi naman ni Beauty.

Sa susunod na buwan pa ang simula ng kanilang taping kaya abala muna sila sa kani-kanilang mga proyekto ngayon.

May gagampanan din na mahalagang papel si Carla sa inaabangang "Voltes V: Legacy," na sobrang ipinagmamalaki niya dahil sa ganda ng pagkakagawa.
Makikita naman ang patunay nito sa inilabas na mega trailer ng live action series.

Samantala, naghahanda na si Gabby sa bago niyang karakter, na ibang iba sa ginampanan niyang role bilang si President Glenn Acosta sa Kapuso series na "First Lady."

Habang si Beauty, napapanood ngayon sa bilang si Violet sa "Mano Po Legacy: The Flower Sisters," na malapit nang magwakas.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News