May pasulyap si Carla Abellana sa kaniyang ipinatatayong bagong bahay, na inaasahan niyang matatapos din ngayong taon.

Sa kaniyang Instagram, ipinakita ni Carla ang istruktura na bahagi ng kaniyang bahay, na bare pa lamang at patuloy ang paggawa.

 

Bagama't exciting, may takot din si Carla dahil sa mga gastusin.

"Exciting!!!" komento sa post ng isang netizen.

"[I]ndeed! But not for the wallet ????" tugon naman ni Carla.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing inilahad ni Carla na mabilis naman ang progreso ng pagpapagawa ng kaniyang bahay at inaasahan itong matatapos ngayong taon. —LBG, GMA Integrated News