Viral ang isang tindero ng ice candy dahil sa kaniyang "Harry Potter" accent habang inilalako ang kaniyang mga paninda sa Maasin City, Southern Leyte. Ang binata, nagsusumikap para makabalik sa eskwela.

Sa State of the Nation, mapapanood ang video ni Glynis Mark ng pagtitinda ni Jomar Villamor.

"By the way, sir, I got a product in here and I am just hoping you gonna like this. So, I'm gonna sell this to you," sabi ni Villamor sa kaniyang British accent.

"Well, sir, would you want to buy just one piece of my product? I just want it to add for my allowance. Actually I got here what they call the ice candy," dagdag ni Villamor.

Natutunan ni Villamor ang British accent sa panonood ng "Harry Potter."

Sinabi ng dating guro ni Villamor na bagama't natigil ang binata sa pag-aaral, matalino ito at madiskarte.

Nagsusumikap si Villamor para makatulong sa pamilya at makabalik sa kaniyang pag-aaral. —LBG, GMA Integrated News