Muling nagkagawa ng historic achievement ang BLACKPINK member na si Lisa matapos makakuha ng tatlong bagong titulo sa Guinness World Records sa kaniyang solo career.

Sa ulat ng Saksi, sinabing ang female rapper ang first ever solo K-Pop artist winner sa MTV music awards at sa MTV Europe Music Awards.

ADVERTISEMENT

Si Lisa rin ang Most Followed K-Pop star, na may 87.2 milyong followers na ngayon sa Instagram.

Bago nito, may tatlo na ring titulo sa Guinness ang BLACKPINK.

Samantala, nagulat ang fans sa IG story ni Lisa na kasama niya sa larawan ang soccer star na si Neymar sa Paris.

Si Neymar ay matagal nang BLINK o fan ng BLACKPINK. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News