Mahigit 10 na taon na ang relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu. Mayroon umanong mga nagtatanong kung ano ang sikreto sa matagal na nilang pagmamahalan.

"I think the secret behind it is letting each other grow individually and growing together as a couple so we respect that about each other as a couple," sabi ni Xian sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.

Ayon pa kay Xian, kahit matagal na silang magkarelasyon ni Kim, may nadidiskubre pa rin sila sa isa't isa.

"And 'di rin natatapos dapat 'yung panliligaw sa isa't isa," dagdag ng aktor. "Once you get comfortable, that's the danger zone."

Sa "Fast Talk" segment, sinabi ni Xian isa sa pinaka-pinagkakasunduan nila ni Kim ang hilig sa Chinese food.

Sa pagkakaiba naman nila, sinabi ni Xian na "very quiet person" siya.
Nang tanungin si Xian kung si Kim na ba ang "The One?" sa kaniya, tugon ng binata, ""Of course, yeah."

Nitong nakaraang Pasko, nagtungo sina Xian at Kim sa Europe para magbakasyon. Matapos magpasko sa Paris, nagpunta rin ang dalawa sa St. Moritz at Swiss Alps para sa  full winter experience.

Mapapanood si Xian sa upcoming Kapuso series na "Hearts on Ice" kasama si Ashley Ortega. —FRJ, GMA Integrated News