Labis ang saya nina Kylie Padilla at Gabbi Garcia matapos magbigay ng update ang direktor na si Mark Reyes tungkol sa upcoming Kapuso series na “Sang’gre.” Si Kylie, hindi maiwasang magtanong kung bubuhayin ang karakter niyang si Amihan.

“Oo nga nakita namin!” reaksyon ni Gabbi Garcia sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado sa post ni direk Mark tungkol sa update sa project.

“Mabubuhay ka!” sabi ni Gabbi kay Kylie, na tinutukoy ang karakter ni Kylie na si Amihan, na napaslang sa reboot ng series noong 2016.

ADVERTISEMENT

Hindi rin mapigilan ni Kylie na humingi ng update kay direk Mark tungkol kay Amihan.

“Tinanong ko nga si direk eh, hindi pa niya ako sinasagot. Pero bubuhayin na ba si Amihan?” tanong ni Kylie sa direktor.

“Hopefully,” sabi ni Gabbi.

Sa Instagram ni direk Mark, nag-post siya ng selfie kasama ang mga standees of 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Gabbi, Glaiza De Castro at Sanya Lopez.

“So we just had our first creative meeting on the pilot script of #sanggre. See you soon @glaizaredux @kylienicolepadilla @gabbi @sanyalopez #herewegoagain” caption ng direktor.

“Avisala Mahal na Emre!” komento ni Ruru Madrid, na gumanap bilang si Ybrahim.

Nauna na ring nagpost si direk Mark ng tila teaser poster sa series. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News