Larawan ng isang happy at proud daddy si Oyo Boy Sotto matapos magkamit ng mga medalya ang tatlo nilang anak ni Kristine Hermosa mula sa isang jiu jitsu tournament nitong weekend.

Sa Instagram, ibinahagi ni Oyo ang tagumpay ng kanilang mga anak na lalaki na sina Kiel at Kaleb, maging ang anak nilang babae na si Dre. Nag-post pa si Oyo kasama ang mga anak nang tanggapin ang mga medalya.

"So proud of all of you! My heart is full," saad ni Oyo kasabay ng kaniyang pasasalamat kay God "for keeping them all safe."

"Doesn’t matter if you lose a fight, what matters is you didn’t give up! I love you all!" dagdag ng aktor.

ADVERTISEMENT

Nag-uwi ang panganay na anak ni Oyo na si Kiel ng gold medal, habang tig-silver medal naman sina Dre at Kaleb.

Sa comment section, nagpaabot naman ng suporta at pagbati ang Sotto clan gaya nina Pauleen Luna, Ciara Sotto, Gian at Danica.

Nag-post din si Kristine ng reel sa kaniyang IG account sa tagumpay ng mga anak nila ni Oyo.

"I LOVE YOU always and forever Kiel, Dre, Kaleb," saad ng aktres, kasama ang dalawa pa nilang anak na si Vin Isaac. "Thanks for all the patience and hardwork Prof. Pich. You are a blessing!" patuloy niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)

 

— FRJ, GMA Integrated News