Inihayag ni Aubrey Miles na hindi siya naniniwala noon sa konsepto ng kasal, na isa sa mga dahilan kung bakit inabot sila ni Troy Montero ng halos dalawang dekada bago sumailalim sa seremonya.
 
“Alam mo hindi ko rin alam kung bakit ang tagal. Pero sa totoo lang, hindi yata alam ng ibang tao na before, noong kami mga five years (sa kanilang relasyon), I don’t really believe in marriage, na married ka sa isang tao, parang forever. Alam kong may forever pero not [on] paper. Before ganoon ang mentality ko,” sabi ni Aubrey sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
 
Hanggang sa umabot na ng isang dekada ang relasyon nina Aubrey at Troy.
 
“Until 10 years. Sabi ko ‘Why do we get married pa kung alam ko naman na it’s you, wala na talaga sa brain ko, siya na talaga eh. Kung alam ko sa puso ko, sa spirit ko, soul ko ikaw na talaga. Sabi niya ‘Well it’s up to you. But you know, our kids, anong iisipin ng family mo?’ Sabi ko ‘Sige,’” sabi ni Aubrey.
 
Nagdesisyon sina Aubrey at Troy na magpakasal nang biglang magkapandemya, kaya ipinagpaliban niya muna ito. Dito pa mas naging handa si Aubrey sa kasal.
 
“Sabi ko, ‘Meant to be ba talaga ‘to? Nag-pandemic, ikakasal na tayo. After pandemic, na-feel ko na open na ‘yung heart ko, open na ‘yung mind ko. Wala namang masama. For me, kung may paper eh ‘di okay lang din. It’s a plus,” saad niya.
 
“Nag-open na ako. Hindi ako takot eh, hindi ko lang ma-gets ‘yung idea before bakit kailangang icommit mo ‘yung forever mo,” dagdag ni Aubrey.

ADVERTISEMENT

May dalawang anak naman si Aubrey kay Troy: sina Hunter at Rocket.

Ipinagdiwang nina Aubrey at Troy ang kanilang ika-18 anniversary bilang couple. Na-engaged sila noong nakaraang taon. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News