Ang itinanghal na 2022 Sexiest Man Alive ng People magazine na si Chris Evans, naging sawi rin pala sa pag-ibig.

Nang tanungin ang Hollywood actor na kilala rin bilang si "Captain America" kung naranasan na niyang ma-"ghost," sinabi ni Chris na, "I feel I've experienced something much worse."

"I've had the slow decline in text responses, and you just know the person is pushing you aside casually," kuwento niya sa Peoples magazine. "I think I'd prefer being ghosted because you can make up any story you want."

Ibinahagi rin ng aktor kung papaano niya hinaharap ang ganoong stiwasyon.

"You tell yourself a story, whatever you have to do to get by," saad niya.

Sambit naman ng aktres na si Ana de Armas,  "It is what it is, right?"

Si Ana ang katambal ni Chris sa pelikulang "Ghosted."

"You do not show up," sabi pa ni Ana, patungkol sa karakter ng aktor sa movie na si Cole.

Sagot naman ni Chris, "Yeah, that's the truth. You don't get on a plane. That's for sure."

Sa romantic-action-comedy film na "Ghosted," nagkaroon ng hindi malilimutang first date sina Cole (Chris) at Sadie (Ana). Pero nang biglang mawala si Sadie, hinanap siya ni Cole na sobrang na-in love at nagpunta pa sa ibang bansa.

Sa trailer ng pelikula, lumitaw na isa palang spy si Sadie, at kailangan nilang magtulungan para sagipin ang mundo.

Ngayon, very much in love si Chris sa totoong buhay sa kaniyang girlfriend na si Alba Baptista, na bida sa TV show na "Warrior Nun." —FRJ, GMA Integrated News