Hindi lang si Enzo (Xian Lim) ang namangha sa kaseksihan ni Ponggay (Ashley Ortega) nang makita niya itong naka-two-piece swimsuit. Ang laiterang si Sonja (Skye Chua), natigilan din.

Sa nakaraang episode ng Kapuso series na "Hearts on Ice," katakot-takot na panlalait ang inabot ni Ponggay mula kay Sonja habang pinag-iisipan pa lang si Ponggay kung gagamitin niya ang ipinahiram sa kaniya na bikini.

ADVERTISEMENT

"Ano kaya ang hitsura niya na naka-swimsuit? Siguro mukhang tanga," sabi ni Sonja patungkol kay Ponggay.

"Imagine, naka-swimsuit na pilay," natatawa pang sabi ni Sonja.

Nang lumabas na si Ponggay kasama ang kaniyang mga kaibigan, hindi lang si Enzo ang natigilan nang makita ang magandang katawan ni Ponggay--pati ang laiterang si Sonja.

Pero bago muling magharap ang dalawang dilag sa figure skating, magtutuos muna sina Ponggay at Sonja sa freestyle swimming relay na bahagi ng kanilang training. Sino kaya ang mananaig? Panoorin ang naturang episode.

--FRJ, GMA Integrated News