Marami ang kinilig--maging ang ilang celebrities--sa sweet photos na ipinost sa Instagram ni Marco Gumabao habang kasama niya si Cristine Reyes.

"You are my home and my adventure all at once," saad ni Marco, 28-anyos, sa caption ng mga larawan na ang isa ay yakap at hinahalikan niya sa pisngi si Cristine, 34, habang nasa beach sila.

Nag-iwan naman si Crisitne ng iba't ibang emojis sa naturang post, kasama na ang red hearts at hands in prayer.

ADVERTISEMENT

Sa isa pang larawan, makikita na tumatawid ang dalawa na magkahawak ang kamay.

Kabilang sa mga celebrity na nagkomento at nag-iwan ng emojis ay sina Rhian Ramos, Dominic Roque, Bea Alonzo, Ruru Madrid, Isabelle Daza, Kylie Verzosa, Billy Crawford, Barbie Imperial.

 

 


—FRJ, GMA Integrated News