Inihayag ni Claudine Barretto na mabuti ang relasyon nila ngayong magkakapatid na sina Gretchen at Marjorie.
 
“The reason why I’m okay now after everything that I’ve been through was because of my sister Gretchen. She never left my side. We don’t get to spend time all the time but the words of wisdom, her being there, kahit through phone lang, ang dami kong natutunan,” sabi ni Claudine sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
 
“Dada (Tonyboy Cojuangco), Atong (Ang). They play a very big role of why I’m okay today,” dagdag ni Claudine.
 
Si Tonyboy ang business tycoon na longtime partner ni Gretchen, samantalang si Atong Ang ang negosyanteng malapit din kay Gretchen.

Katunayan, nag-text pa si Gretchen kay Claudine na “proud” ito sa kaniya at masayang nanumbalik ang sigla niya sa buhay.
 
“As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, during dinners, merienda with the family,” sabi ni Claudine.
 
“We have a big family. Small talk, that’s good enough,” aniya.
 
Matatandaang nagkaroon ng gusot ang magkakapatid na Barretto na nagsimula sa burol ng kanilang amang si Miguel.
 
Nagkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan nina Gretchen at Marjorie, at nadawit din si Claudine.

Dahil sa nangyaring gulo, mas lalo raw mahirap sa kaniya ang tanggapin ang pagkawala ng kanilang padre de pamilya.  —VBL, GMA Integrated News