Kinagiliwan ng netizens ang ilang kumakalat na memes tungkol sa Voltes V: Legacy, kung saan umu-order ang cast sa isang fast food.

Ibinahagi din ito ng direktor na si Mark Reyes sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Biyernes.

 

Dahil 10 minuto pa ang kailangan nilang hintayin, nagpa-“void” na lang ang team ng Voltes V sa kanilang order, sa halip na mag-volt in.

ADVERTISEMENT

“Keep the @voltesvlegacy memes coming!” naaaliw na sabi ni Direk Mark.

May sarili ring entry si comedy genius Michael V. tungkol sa linya ng karakter ni Carla Abellana na si Mary Ann Armstrong tungkol sa launch conveyor.

May pakain umano sa city hall kaya sa halip na sa launch conveyor, sa lunch ni mayor pupunta ang team ng Voltes V.

 

 

 

—LBG, GMA Integrated News