Lumipad na pa-Amerika, at Canada ang Eraserheads para sa kick-off ng kanilang Huling El Bimbo 2023 World Tour.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing kabilang sa pupuntahan ng legendary Pinoy alternative rock band ang Los Angeles, San Francisco, New York, at bansang Canada.

Mga media partner ng concert tour ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV,  at GMA News TV.

ADVERTISEMENT

Bago bumiyahe, ibinahagi ng ilang Eheads members ang kanilang paghahanda.

Sinabi ni Ely Buendia na todo ang kanilang rehearsals at ready na rin ang setlist nila.

Excited din sina Marcus Adoro at Buddy Zabala dahil matagal na silang hindi nagkakapag-tour bilang isang banda.

Makakasama rin nila sa tour si Raymund Marasigan.

Excited na rin ang Eheads na makasama at mapasaya ang mga Kapuso abroad. —LBG, GMA Integrated News