Matapos makalaban si Dokugaga, isang level-up na beast fighter na si Vaizanger ang susunod na makakalaban ni Voltes V sa “Voltes V: Legacy,” na hahantong sa sakripisyong babago sa Voltes team.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabing trending at pinag-usapan ang pagtutuos ng Voltes team sa unang beast fighter ng mga Boazanian na si Dokugaga.

Ang susunod na makakalaban ni Voltes V ay kilala bilang si “Vaizanga” sa OG anime version. Pero sa Voltes V: Legacy, may bago na itong bihis sa pangalang “Vaizanger.”

ADVERTISEMENT

Gaya ni Dokugaga, humanoid din si Vaizanger na may mukha ng tila leon at may dalawang sungay na gaya ng sa kalabaw.

Level-up rin ang kapangyarihan ni Vaizanger dahil kaya niyang magbuga ng apoy, may double-chained mace na puwedeng pamalo at gamiting pananggalang kay Voltes V.

Kaya rin niyang bumato ng mga spike mula sa ulo at magpakawala ng missiles.

Tila minana ni Vaizanger ang pinchers ni Dokugaga, na manggagaling sa kaniyang katawan para sipitin ang makakalaban.

Ngunit dapat na pinakaabangan ang four-way grapple chains, na armas na babago naman sa buhay ng Voltes team. —LBG, GMA Integrated News