Very much in love ang aktres na si Mara Lopez na masayang ibinahagi na engaged na sila ng kaniyang American boyfriend na si Chandler Booth.

Nitong Lunes, nag-post si Mara sa Instagram ng masayang mga larawan nila ni Chandler.

"Something special happened last week... We're engaged!," saad ni Mara sa caption na may kasamang emoji ng ring at heart.

 

 

Sa comment section, kabilang ang ilang celebrities ang bumati kay Mara.

Kasama rito sina LJ Reyes, Pinky Amador, Roxanne Barcelo,  at Anne Curtis.

Nag-post din sa IG ang ina ni Mara na si Ma. Isabel Lopez upang batiin ang kaniyang anak at si Chandler.

"Celebrating the engagement of my daughter @maralopezy to @thechandalier! Congratulations and wishing you both much happiness," saad ni Ma. Isabel, na isang American din ang partner na si Jonathan Melrod.

Nitong nakaraang Pebrero, sinabi ni Mara sa isang post na tatlong taon na ang relasyon nila ni Chandler. --FRJ, GMA Integrated News