Nabahiran ng kontrobersiya ang fanmeet sa Manila ni Seo In Guk dahil sa biglaang pagpapalit ng host. Una kasing inanunsyo na si Kristel Fulgar ang magiging host ng event pero bigla siyang pinalitan ni DJ Karen Bordador.
Pero bago ang event, nag-post sa social media si Kristel para ipaalam sa kaniyang followers ang nangyaring "turn of events" na hindi na siya ang host ng fanmeet.
"Due to unforeseen circumstances, I will no longer be hosting Sea In Guk's fan meet in Manila tonight," saad ni Kristel sa Facebook post noong August 12.
"While I am saddened by this turn of events, I understand that decisions are made beyond our control. I want to assure you all that my support for Sen In Gun remains steadfast," dagdag niya.
Sa vlog na ipinost sa YouTube nitong Miyerkules, binalikan ni Kristel ang mga pangyari, at ibinahagi rin ang ginawa niyang pag-eensayo para sa hosting.
“Unfortunately, hindi na po ako yung magho-host ng event,” sabi nito sa clip na kuha bago ang fanmeet.
“First time kong naka-experience ng ganitong scenario sa 20 years ko sa industriya ng entertainment,” saad ng malungkot na si Kristel. “Nandito na ako 7 a.m., nag-rehearse, and then eventually, sinabihan ako ng director na hindi na daw ako ang magho-host. Parang ‘Huh? Sandali lang naman, anong nangyari?’”
Aminado si Kristel, na hindi siya "super expert sa hosting" pero sigurado siya na kaya niyang makakonekta sa fans ni Seo In Guk dahil na rin siyang fan nito sa nakalipas na 11 taon.
"Hindi ko forte ang hosting, tinanggap ko to kasi tinitingnan ako as representative ng mga fans ni Seo In Guk, so hindi lang ako basta magiging host sa stage kundi magiging fan ako," patuloy niya.
Paliwanag pa ni Kristel, "since rehearsal yon, hindi ako sanay na ibigay yung 100% energy ko. So kung nakulangan sila sa energy, dun sa rehearsal, sabi ko I will do my best."
Pero hindi na raw nagbago ang pasya ng Korean technical director at sinabihan siya na mayroon nang nakausap na ibang host.
Sa kaniyang vlog, humingi ng paumanhin si Kristel sa kaniyang mga tagasuporta na bumili ng tiket para makita siya sa stage.
“Alam ko may mga fans ako, supporters na bumili ng ticket para mapanood ako sa stage para makita nyo yung kilig ko kapag nasa stage na ako with Seo In Guk pero hindi na natin, hindi ko yun mabibigay,” saad niya.
Samantala, nagbahagi naman si Karen ng ilang "cryptic posts" sa X (dating Twitter) matapos na may mga mainis sa kaniyang netizens nang siya ang ipalit na host kay Kristel.
“Forgive them Lord for they do not know what they’re saying,” sabi ni Karen sa tweet na may petsang August 14.
Sa hiwalay na post, sinabi ni Karen, "it was so easy to point fingers but naturally no accountability taken.”
Sa vlog na ini-upload nitong Miyerkules, inihayag ni Karen ang nangyaring last-minute hosting gig niya, na tinawag niyang "big challenge" at "huge surprise."
“Normally, if someone asks me to host a day before or on the day itself, I would say no. But for some reason, I don’t know, like my instinct said ‘go for it’ and also a lot of people really did message me to be part of this only on the day itself, okay? A few hours before the event,” ani Karen.
“I was thinking it is gonna be a huge privilege to even be part of Seo In Guk’s first-ever fan meet,” patuloy niya. “Just the idea of having to work with the Korean team again would be so exciting.”
Dati nang nag-host ng event ni Park Bom sa bansa si Karen.
“After that, I had a really good relationship with the organizer from Korea and I did share from my TikTok videos that they are so different when it comes to local production,” paliwanag niya.
“With the Korean team, it was extremely detailed,” patuloy ni Karen.
Kuwento ng DJ, nakatanggap siya ng mga tawag ng tanghali: "I noticed my phone had different kinds of messages of needing me for an event so I didn’t really know what exactly it was for."
Ipinakita pa ni Karen ang screenshots ng mga mensahe ng kaniyang manager na binigyan siya ng isang oras upang pag-isipan kung tatanggapin ang biglaang hosting job.
"And then I said yes,” saad niya. “I didn’t really know what transpired earlier because that’s none of my business. The point is, they needed me that time. I just told myself I want to make sure my mind’s gonna be a 100% focused on this one.”
Sa kaniyang video, ibinahagi ni Karen ang ilang clip ng ginawa nilang rehearsals pero hindi na raw nila nakompleto ang buong script dahil wala nang oras.
Bumisita sa bansa si Seo In Guk noong August 12 bilang bahagi ng kaniyang unang Asia fan meeting.
Bumida ang Korean star sa hit series na "Doom at Your Service" noong 2021, "Shopaholic Louis" noong 2016, "Reply 1997" noong 2012, at sa "The Smile Has Left Your Eyes" noong 2018, kasama si Jung So Min. —FRJ, GMA Integrated News

_2023_08_17_14_42_37.png)